Sunday, July 20, 2008

Ang Tadhana (Destiny) ni Krsitine Mariz Ursua

Pagkilala, Pagkakaibigan, Pagpapaalam
ito ba ay bahagi ng tadhana?
Pagtawa, Pagsisisi, Pagluha,
Pagtayo at pagkadapa,
Kinailangan ba ito upang matuto magmahal?

Maraming pagbabago ang nagganap sa buhay ko. Lahat nagbago, maliban SAYO.

Lagi kang nakangiti...nagbibigay pag-asa sa iba...

Pero kapag ika'y nagiisa na,

Tutulo na lamang ang iyong mga luha.

Krus mong kay bigat magisa mong pinapasan

mga mata mong masaya noo'y ngayo'y...

wala nang liwanag.


"Tadhanang ka'y lupit," awit mo ng mahinhin,
lubayan mo ako sa aking paghimbing.

sapagkat alala'y ayaw ko nang damdamin,
bigat ng luha saking mga mata'y di ko na kakayanin."

Wika mo'y ubos na ang iyong mga dasal,

na walang nakakarinig,

walang pusong pumapantig

alang alang sa kaluluwa mong nakaratig,

ni ang Diyos ay hindi ka na narinig.


Pagkakaibigan, Pagpapaalam Pagkilala,
ito ba ay bahagi ng tadhana?
tunay nga ba na wala nang pag-asa?
Mali ka kaibigan!
Hindi ka nagiisa!

Lahat ay nagbabago ng tuluyan
Lahat-lahat pati pagkakaibigan
Kaya naman sa bawat kadilima'y
maktatagpo ka ng liwanag na masisilayan

Pagpapaalam Pagkilala,Pagkakaibigan


Anumang ayos o pagkakasunod-sunod

Iya'y bahagi ng tadhana

Kaya kaibigan kong bulag sa Nakaraan,

Umusad ka!

Pakatandaan mong
hindi ka nagiisa!

Nandito kami...Andito ako...
Luha mo'y sasaluhin ko
Krus na pasan mo'y papasanin ko.



Sayo ako nakatingin at nakatanga,
ikaw ang laging inaalala...
pero ni isang sulyap di ka magbigay,
ni isang kislap ng mata...di tunay.

Kaibigan mo akong tuwina
nilikha ng Diyos upang magbigay pagasa.
Ang kamay Niya ang nagdala sa'ting dalawa
upang magkakilala
sa pamamagitan ng tadhana.